Read Good%20Agri%20Practices.pdf text version

Ang 10 toneladang dayami mula sa 5 toneladang inbred na palay na inani sa bawat ektarya kapag nabulok ay katumbas ng: 5 ½ sako ng complete fertilizer = 20 kg. P 5 sako ng urea = 131 kg. N 8 sako ng mureate of potash = 250 kg. K Makakatipid tayo ng lampas Ps 4,000 bawat ektarya.

3.

Magtimpla ng CFA o compost fungus activator sa isang knapsack sprayer. Ito'y nakakapabilis ng pagkabulok ng mga dayami na umaabot ng 3 hanggang 4 na linggo lamang na dati inaabot ng 2 hanggang 3 buwan.Kailangan ng 4 na pakete ng CFA trichoderma sa isang toneladang dayami o kaya 20 pakete sa isang ektarya.

Paghahambing ng Techno demo na gamit ang MRC at walang MRC ­ Sagurong Pili, Camarines Sur

Modified Rapid Composting Techno Demo February ­ May 2008 Variety Used ­ NSIC Rc 144 135 x 40 kilos per bag 5,400 Cost per kilo seeds Ps30 162,000 Less Expenses 44.570 Net Income 117,430 ROI = 263%

GOOD AGRICULTURAL PRACTICES

Techno Demo Not Using MRC

4.

February ­ May 2008 Variety Used NSIC Rc 144 97.5 bags x 40 kilos/bag 3,900 Cost per kilo seeds Ps30 117,000 Less Expenses 41,849 Net Income 75,151 ROI 179.5%

Ibomba ang tinimplang CFA sa ikinalat na dayami. Mabubulok ang dayami sa loob ng 3 hanggang 4 na linggo.

135 bags ­ 97.5 bags = 37.5 bags difference sa ani

Ginamit na dami ng pataba sa MRC kumpara sa farmer's practice

MRC Farmer's Practice 3 bag ­ 46-0-0 @ 1,900 5,700 2.86 bags 46-0-0 @ 1,900 1 bag 14-14-14 1,950 3 bags 16-20-0 @ 1,900 20 bags ipot @ Ps50/bag 1,000 1.32 bags 0-0-60 @ 1,850 TOTAL 8,650 TOTAL

90-30-40

5.

Kapag natuyo na ang dyaami papasukan ulit ng tubig mula sa irigasyon.

5,434 5,700 2,480 13,614

6.

Pagkaraan ng apat na linggo maari nang simulan ang pag-araro ng bukid. Sa panahong ito bulok na ang mga dayami.

Ps 13,614 ­ 8,650 = Ps 4,964 natipid sa abono

Para sa dagdag na impormasyon o kaalaman tumawag o sumangguni sa Kagawaran ng Pagsasaka , Region 5 San, Agustin, Pili, Camarines Sur Tel. 361-18-58 o kaya sa Bicol Consortium for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development sa 2/F BUREPC Bldg. Bicol University, Legazpi City (052) 481-2101 Nagsulat/Layout: Mabelle Roa-Ilan Editor: Emily B. Bordado Technology Specialist - Oswald Ventura Partner Institution - Central Bicol State University in Agriculture (CBSUA) and Bicol Consortium for Agricultural Resources and Research Development

Magsasaka Siyentista Sagurong, Pili, Camarines Sur

Guerrero S. Canoy

7.

MODIFIED RAPID COMPOSTING

Implemented by FITS DA-5

Sa huling pagsuyod ilagay ang natitirang sampung bag ng ipot sa isang ektarya.

GUERRERO S. CANOY

Magsasaka Siyentista

Magsasaka Siyentista Guerrero Sabaldana-Canoy ng Sagurong, Pili, Camarines Sur ay 63 taon gulang na. Ipinanganak siya noong Nobyembre 23, 1945. Nagtapos ng BS Agriculture major in Soil Science sa UP Los Baños. Una siyang nagtrabaho sa IRRI bilang isang junior researcher at lumipat sa Bicol dahil ginawa siyang farm manager ng hacienda Sta. Rita sa Sagurong Pili, Camarines Sur. Dito pinamalas ni Mang Gerry ang kanyang kakayahan sa larangan ng agrikultura at patuloy niyang pinauunlad ang naturang hacienda. Malawak at patag ang sinasaka ni Mang Gerry. May sapat itong patubig mula sa bundok Isarog. Ang lupa dito ay clay loam kung kaya maganda ang tubo ng pananim dito. Mayroon din alagang hayop si Mang Gerry tulad ng kalabaw at baka. Halos isang daang ektarya ang kasalukuyang tinaniman niya ng palay upang gawin binhi at isang daang ektarya naman para sa tubo. Mas gusto ni Mang Gerry na magtanim ng palay bilang binhi dahil malaki ang kita dito. Isa siya sa mga kilalang seed grower ng Bikol at naibebenta niya ang mga binhi sa buong rehiyon at minsan sa labas ng rehiyon. Maliban sa inbred seeds nagtanim din siya ng hybrid seeds. Katunayan nabigyan siya ng parangal ng SL Agritech bilang "Best farmer cooperator "noong Hulyo 10, 2003 sa pagkilala ng kanyang malaking tagumpay sa techno demo kung saan naipamalas niya na mas mataas ang aanihin at kikitain ng magsasaka gamit ang hybrid seeds. Sa mahigit na dalawang dekadang pagsasaka kabisadong kabisado na at nakapagtala na si Mang Gerry ng sarili niyang pamamaraan at teknolohiya sa pagtatanim ng palay bilang binhi. Pangunahing sa kanyang layunin ang makapagpalabas ng mga de kalidad na binhi para sa magsasaka dahil isa ito sa mga mahalagang aspeto sa pagsasaka. Isa sa mga ipinapakita ni Mang Gerry sa kanyang pagsasaka ang paggamit ng organikong pataba. Kaya bilang magsasaka siyentista kasalukuyan niyang isinasagawa ang Modified Rapid Composting upang maipakita na epektibo at kayang gawin ng magsasaka ang teknolohiyang ito. Una siyang naging cooperator ng Bureau of Soils and Water Management sa Tipid Abono project nito at patuloy na ginamit ang kanyang sakahan bilang techno demo site para sa Modified Rapid Composting (MRC). Isang mahalagang gawain ni Mang Gerry ang "fallow period" kung saan pinapahinga ang lupa. Kaya't dalawang beses lang siya magtanim sa isang taon. Sinusunod din niya ang "intermittent irrigation upang makatipid sa tubig. Ang malawak na palayan ay hinahatihati niya na may isang linggong pagitan upang hindi magkasabaysabay ang ani at mapadali ang pamamahala nito. Kasalukuyan niyang ginagamit ang MRC sa buong palayan.

Mahalaga sa pagkakaroon ng magandang binhi ang tamang teknolohiya makatapos mag-ani. May sapat na biladan ng palay si Mang Gerry at kung kinakailangang tuyuin ito sa mekanikal dryer ay ginagawa niya ito. Mayroon din siyang moisture meter at seed cleaner upang mapanatiling malinis ang mga binhi. Noong 2007, binigyan siya ng Kagawaran ng Pagsasaka ng "hand-tractor" na malaking tulong sa kanyang pagsasaka. Ipinagmamalaki ni Mang Gerry na mahalaga ang pakikipagugnayan sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan at sa pribadong sektor. Dito makakakuha ng mga kaalaman at impormasyon na makakatulong sa pagsasaka. Ang pagpalaganap ng impormasyon at teknolohiya ay isa sa mga tungkulin ng isang Magsasaka Siyentista. Malimit na rin siyang kunin bilang resource speaker sa mga seminars at inaanyayahan sa mga interbiyo sa radyo. Mayroon na siyang nagawang radio plug sa MRC na kasalukuyang pinapalaganap sa mga programa sa radyo.Nandiyan din ang inter-personal na pakikipag-usap sa mga kapwa niya magsasaka upang mas lalong maintindihan ang teknolohiya. Nagkaroon na din ng harvest festival sa kanyang farm kung saan dinaluhan ito ng mahigit 50 magsasaka sa karatig lugar. Si Mang Gerry ay aktibong miyembro ng Camarines Sur Seed Growers Association at Bicol Rice Commodity Board. Siya rin ang kasalukuyang taga-ingat yaman ng Samahan ng mga Magsasaka Siyentista ng Bicol.

Sa MRC napapanatili ang antas ng ani ng palay.Sa MRC tatlong (3) urea at isang (1) complete at 20 sako ng ipot lamang ang gagamitin at kung ikukumpara sa dating inilalagay na 6 hanggang 9 na sako bawat ektarya makakatipid ang magsasaka. · Nabawasan ang gastos sa pagtanim ng palay ng Ps 5,000 bawat ektarya o kaya 37- 46% kabawasan sa gastos. · Naipakita ang ilang teknolohiya tulad ng paggamit ng organikong pataba, rapid composting, paggamit ng leaf color chart at paggamit ng dayami at iba pang farm waste bilang pataba.

PAANO GINAGAWA ANG MODIFIED RAPID COMPOSTING

1.

Ikalat ang mga dayami sa palayan matapos mag-ani

Introduksiyon

Ang grama na inorganikong at maiwasan Modified Rapid Composting ay isang pronaglalayong mabawasan ang paggamit ng pataba hangang limampung porsiyento (50%) ang lubos na pag-asa sa paggamit ng mga ito.

Ang kompos ay organikong pataba na nagmumula sa mga halaman, basura, dumi ng hayop at anumang uri ng organikong materyal. Upang mas mapabilis ang pagkabulok ng ginagawang kompos kailangan itong lagyan ng Compost Fungus Activator o CFA tulad ng Trichoderma harzianum. Isang uri ng fungus na pinapatubo sa agaroatmeal medium . Sa pamamagitan ng paggamit nito napapabilis ang pagkabulok mula tatlo hanggang apat na linggo (3-4) lamang. Base sa resulta ng kanyang pagsubok malaki ang kanyang inani at kita sa paggamit ng MRC. Naipakita din niya ang halaga ng paggamit ng organikong pataba tulad ng sumusunod: -pagpaganda ng pagsalat (texture) at bungkal (tilth) ng lupa; -pinagaganda ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig (water-holding capacity); -napipigilan ang pag-asim at pagtaas ng alkalinity ng lupa; -pinapataba ang lupa; -walang polusyon na dulot sa kapaligiran, tao, hayop at halaman

2.

Tapak tapakan ang mga dayami gamit ang paa o kalabaw. Papasukan ng tubig para mababad ang dayami. Siguraduhin na nakasara ang mga pasukan ng tubig. Hayaan na nakababad ang dayami sa loob ng 12 oras. Isabog ang sampung bag ng ipot sa palayan.

Information

2 pages

Report File (DMCA)

Our content is added by our users. We aim to remove reported files within 1 working day. Please use this link to notify us:

Report this file as copyright or inappropriate

32154


You might also be interested in

BETA