Read Unang Bahagi text version

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

21

Seksyon 1

Mahahalagang Proklamasyon sa Lupa/ Pagmamay-ari ng Lupa at ang Kanilang Katangian: Panahon ng Pananakop

PANAHON NG KASTILA

(1521 ­ 1896)

Ano ang batas na nagtakda ng panuntunan tungkol sa pagmamay-ari ng lupa sa Pilipinas sa panahon ng Kastila ?

Sa kalahatan ng Batas Indio (Laws of the Indies), dineklara ng pamahalaang Kastila na esklusibong teritoryo ng Korona ng Espanya ang lahat ng lupain sa Pilipinas. Ang pamahalaang Kastila ang siyang namuno sa pagbabahagi ng lupa sa mga sundalong Kastila, mga sibilyan at mga prayle.

Anong batas ang nagtakda ng mga panuntunan sa paupahang pansakahan sa panahong ito?

Sinasaad ng Kodigo Sibil ng Espanya, lalung-lalo na sa kanyang Tukoy na Probisyon sa Kanayunang Paupa na: " Ang paupa sa mga bahagi o parte ng Default - Di pagbayad sakahang lupa, ang pagbabaka at ang Kostumbre ­ paraan, ugali ng pagtatayo ng pagawaan o industriya, ay kabuhayan mapapasa-ilalim sa mga probisyon tungkol sa kontrata ng partnership at sa mga kasunduan ng mga partido sa kasunduan, o sa panahon ng default, ay sasailalim ito sa mga kostumbre ng lugar. " (Artikulo 1579, Kodigo Sibil ng Espanya)

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

22

Anong batas ang nagmandato ng pagtatala ng ari-arian ?

Ang Ley Hipotecaria o ang Batas Pagsangla (Mortgage) ng 1893 ang nagtakda ng sistemang pagpapatala ng mga titulo, kasulatan at mga katibayan ng pagmamay-ari. Layunin ng batas na itala at patawan ng buwis ang mga lupa base sa Royal Decree ng 1880. Nagdulot ito ng kaguluhan sa dahilang isa siyang batas para sa pagpapatala ng ariarian kaysa sa isang batas sa sangla.

Ano ang layunin ng Batas Maura o ang Royal Decree ng 1894?

Sinusugan nito ang mga Batas Indio at ang Pagsangla. Nilayon din nito na ipatala ang mga lupang agrikultura. Binigyan ng isang taon ng batas na ito ang mga magsasaka at may-ari na ipatala ang kanilang lupang hawak kundi ay idideklara na ang mga ito ay pag-aari na ng Estado. Ito ang kahuli-hulihang Batas Kastila sa Lupa na pinairal sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng PD 1529 na isinabatas noong ika ­11 ng Hunyo 1978, pinatigil ang pagpapatupad ng Batas Maura sa Pilipinas. Sa ilalim ng dikretong ito, ang lahat ng mga lupang kaloob sa ilalim ng Batas Pagsangla ng Espanya na hindi pa sinasaklaw ng sertipiko ng titulo sa ilalim ng Sistemang Torrens ay pinapalagay na lupang hindi tala (unregistered lands).

Ano ang naging epekto ng mga batas na ito sa magsasaka?

Nagdulot lang ito ng mas maraming pang-aabuso. Dahil sa kawalan ng pagsisiwalat ng impormasyon ng mga batas na ito, iilang mga magsasaka/ may-ari lamang ang naka-alam sa mga rekisitos ng pagpapatala. Tanging ang mga iilang mulat at nakakaintindi ng batas ang nakinabang dito. Ang karamihan ng mga pesante na hindi naimpormahan o taliwas ang pagkakaimporma sa batas o tinuring na lubhang komplikado at malayo sa kanilang tradisyon, ang siyang lalong nahiwalay sa lupa.

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

23

Naging pangkaraniwang gawain ang pag-aagaw-lupa (land grabbing). Bilang resulta, lampas sa 400,000 magsasaka ang tinanggalan ng karapatan sa lupa. Napatituluhan ito ng mga maylupang malalaki.

PANAHON NG HIMAGSIKAN (1896 - 1898)

May mga batas ba tungkol sa pagmamay-ari ng lupa at paupa sa panahon ng himagsikan?

Walang batas ang naipasa. Ngunit, ang mga gawain ng mga panahong ito ay nakatuon sa pagsasaayos ng pagmamay-ari at paupa sa lupa. Isa sa mga pangunahing programa ang pagkumpiska ng mga lupaing prayle at ang pagbabahagi nito sa mga magsasakang walang lupa.

Napatupad ba ang pagbabahagi ng lupa?

Hindi, sa dahilang napakaikli ng pamahalaang rebolusyonaryo. Isinuko ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos noong ika- 10 ng Disyembre 1898.

PANAHON NG AMERIKANO (1898 - 1935)

Bakit sinubukan ng Amerikano ang pagpapasa ng batas sa Reporma sa Lupa?

Nang dumating ang mga Amerikano, nakita nila na ang mga cacique, inquilino, prayle at mga kaalyado nila ang siyang nagpapatakbo at sumosolo sa pag-aari ng lupa, at iniiwan ang mga maliliit na magsasaka sa matinding kahirapan.

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

24

Kanila ring kinilala na ang kawalan ng lupa ang pangunahing ugat ng panlipunang pagkabalisa (social unrest) at aklasan sa panahon ng Kastila.

Anong batas ang nagtukoy sa pagbabahagi ng lupang pampubliko sa panahong ito?

Ang Philippine Bill ng 1902 ang nagtakda ng mga alituntunin sa pagbabahagi ng lupang pampubliko. Nilimitahan ng Batas na ito ang pribadong palupa sa 16 ektarya at ang palupang korporasyon sa 1,024 ektarya. Binigyan karapatan din ng batas na ito ang mga Amerikano na makabili o makakuha ng lupang pansakahan.

Anong batas ang patungkol sa pagpapatupad ng sistemang Torrens ng pagpapatala ng lupa?

Ang Land Registration Act ng 1902 o Act No. 496 ang naglagay sa lahat ng lupang pampubliko at pribado sa Pilipinas sa ilalim ng sistemang Torrens. Sa ilalim ng sistemang ito, ang mga mayari ng lupa ay kinailangang ipatala ang kanilang kalupaan at makatamo ng titulo Torrens sa lupa. Mandato ng sistemang Torrens na ang pamahalaan ay magpalabas ng opisyal na sertipiko ng titulo para patunayan na ang isang taong naipangalan ay ang siyang may-ari ng lupang inilarawan.

Sa pamamagitan ng PD 1529 na Ipinasa noong ika ­ 11 ng Hunyo, 1978, ang pagpapatala ng lupa sa Pilipinas ay tuluyan nang nakabase sa sistemang Torrens. Hanggang sa ngayon, ang sistemang ito ay umiiral pa. Itinuturing ito na pinakamabisang siste para ma siguro ang integridad ng titulo sa lupa.

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

25

Mayroon bang sistemang ginamit upang pabilisin ang pagpapalabas ng Titulong Torrens?

Ang Cadastral Act o Act Bilang 2259 ay ipinasa upang pabilisin ang pagpapalabas ng titulo Torrens. Ginawa ito sa pamamagitan ng pagsusurbey sa buong bayan at ang resulta ay iprinisinta sa korte ng patalaan ng lupa. Sisimulan ng pamahalaan ang Cadastral surbey, at susundan ng proseso sa korte ng talaan ng lupa para sa pagkakasundo (settlement) o pagdidinig (adjudication).

Pagkakasundo (settlement) ­ sa legal na usapin, ay tumutukoy sa isang pagtatagpo ng mga diwa (meeting of the minds) ng mga partido sa isang transaksyon o sa isang kontrobersya. Pagdidinig (adjudication) ­ tumutukoy sa isang pagdinig ng isang korte ng ebidensya tungkol sa kontrobersyang base sa pangyayari (factual issue) matapos na mabigyang abiso ang mga partido.

Naisiwalat ba ng maayos ang mga probisyon ng Land Registration Act o Akto Bilang 496?

Hindi. Sa dahilang hindi maayos na naipaalam sa mga magsasaka, muli na naman silang natanggalan ng karapatan sa kanilang mga lupa. Nagawang gawing legal ng mga malalaking may-ari ng lupa ang kanilang pagkamkam sa lupa sa pamamagitan ng mga pekeng surbey sa panahon ng rehimeng Kastila.

Anong batas ang nagpakilala sa unang sistemang Homestead sa Pilipinas?

Ang unang Public land Act o Akto Bilang 926. Itinakda ng batas na ito ang mga alituntunin at regulasyon para sa: Pagbebenta at pagpapaupa ng bahagi ng public domain Pagsasaayos ng mga may depektong titulo Pagkakansela o pagkukumpirma ng mga kasunduan o gawad ng Espanya sa lupa

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

26

Bakit hindi lubusang tinanggap ng mga Pilipinong magsasaka ang Homested Program? Anu-ano ang mga dahilan?

Ayaw iwan ng mga Pilipinong magsasaka ang kanilang komunidad at tumira sa mga homestead. Walang mga imprastraktura tulad ng mga daan at tulay na maguugnay ng mga homestead sa mga palengke o merkado Hindi sapat ang mga umiiral na surbey ng mga lupa para sa mga homestead Hindi hinikayat ng mga may-ari ng lupa ang kanilang magsasakang umuupa sa dahilang sila mismo ay interesado na aplayan ang karapatan o titulo ang mga umiiral at produktibong nang mga homestead.

Anong batas ang nagsusog sa First Public Land Act o Akto Bilang 926?

Ang Ikalawang Public Land Act ng 1919 o Akto Bilang 2874. Mas malawak at komprehensibo ito kaysa sa una. Nilimitahan nito ang gamit sa mga lupang agrikultural sa mga Pilipino, Amerikano at mga banyaga.

Ano ang sinasaad ng Acto Bilang 141?

Inamyendahan nito ang Ikalawang Public land Act ng 1919 o akto Bilang 2874. Halos pareho ang nilalaman ng batas na ito sa Akto 2874. Ang pangunahing pagkakaiba ay ang pansamantalang mga probisyon sa karapatan ng mga Amerikano at mga korporasyong Amerikano na pantay ang trato sa mga Pilipino at mga korporasyong Pilipino.

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

27

Ano ang sinasaad ng Friar Land Act o Akto Bilang 1120?

Nilayon nitong ilipat ang malalawak na lupaing prayle sa mga magsasaka. Itinakda din nito ang pansamantala at administratibong pagpapaupa at pagbebenta ng mga lupaing prayle sa kanyang mga magsasaka.

Ano ang natamo sa pagpapatupad ng batas na ito ?

Sa batas na ito nagawang makipagkasundo ng Estados Unidos sa Vatican para sa pagbibili ng 161,600 ektaryang lupaing prayle para ipamahagi sa mga magsasaka. Nguni't karamihan ng mga korporasyong relihiyoso sa mga panahong iyon ay tumanggi.

Nabenepisyuhan ba nito ang mga magsasaka?

Hindi. Upang mabawi ng Estados Unidos ang mga gastos sa pagbibili ng mga lupaing prayle na umabot hanggang $ 7,000,000.00, nagtakda sila ng mataas na presyo sa lupa na hindi naman naabot ng mga magsasaka. Karamihan ng mga lupaing prayle ay napunta sa kamay ng mga mayayamang may-ari ng lupa.

Bakit isang mahalagang batas ang Rice Share Tenancy Act ng 1933 o Akto Bilang 4054?

Ito ang unang naitalang batas na nagtatakda ng mga relasyong nagmamay-ari ng lupa at magsasakang umuupa sa Pilipinas. Nilayon nitong protektahan ang mga magsasaka sa mga pang-aabuso ng mga nagmamay-ari ng lupa. Ito rin ang unang batas tungkol sa paghahati ng ani na ginawang legal ang 50-50 hatiang kasunduan ng nagmamay-ari ng lupa at magsasaka

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

28

Anu-ano ang mga katangian ng Rice Share Tenancy Act ng 1933 o Akto Bilang 4054?

Ang Kasunduan ng nagmamay-ari ng lupa at magsasaka ay kailangang nakasulat sa wika ng magsasaka (Sek. 4, Akto Bilang 4054, 1957); Ang gastusin sa pagtatanim, pag-aani, pagtatabas, irigasyon at pataba ay paghahatian ng pantay ng mga partido. Ang ani naman ay hahatiin din ng pantay ( Sek. 8, Akto Bilang 4054, 1957); Kailangan may kasunduan agad sa may-ari ng lupa at magsasaka sa loob ng 15 araw matapos ang pag-aani (Sek. 13 , Akto Bilang 4054, 1957); Ang mga buwis ay babayaran ng may-ari ng lupa (Sek. 18, Akto Bilang 4054, 1957); Hindi mapapatalsik ng nagmamay-ari ng lupa ang magsasaka maliban lamang sa tamang dahilan ( Sek. 19, Akto Bilang 4054, 1957); Ang mga magsasaka ay may karapatan sa ilang lote upang magpatayo ng kanyang tirahan at gamitin bilang hardin at manukan (Sek. 22, Akto Bilang 4054, 1957).

Ano ang pangunahing balakid sa mahusay na pagpapatupad ng batas na ito?

Sinasabi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na ang Sekyon 29 ng Akto ang siyang dahilan ng di pagpapatupad nito sa dahilang ang mga konseho ng bayan ay binubuo ng mga makapangyarihang hasendero at malalaking may-ari ng lupa.

Sinasaad ng Seksyon 29 ng Akto na " Ang Aktong ito ay magiging mabisa lamang sa mga lalawigan kung saan ang mayorya ng mga konsehong bayan (municipal councils) ay nagpetisyon sa pamamagitan ng resolusyon para sa pagpapatupad ng akto sa Gobernador Heneral

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

29

Ano pa ang isang kakulangan ng Akto Bilang 4054?

Itinakda rin ng Akto na ang kontrata ng nagmamay-ari ng lupa at ang magsasaka ay iiral lamang sa loob ng isang (1) taon (Sek. 6, Act No. 4054). Binigyan nito ang nagmamay-ari ng lupa ng bentahe sapagkat maaari niyang hindi na muling isailalim sa kontrata ang relasyon at maaari na niyang patalsikin ang magsasaka anumang oras.

Ano naman ang sinasaad ng Akto Bilang 4113 o ang Sugarcane Tenancy Contracts Act ng 1933?

Itinakda ng Aktong ito ang relasyon ng magsasakang umuupa at mayari ng mga tubuhan. Pinag-utos nito ang kasunduang paupa sa mga lupang taniman ng tubo. May probisyon ito tungkol sa obligasyon ng sugar central na ipakita (exhibit) sa magsasaka na umuupa ang mga resibo kung ilang tonelada ng asukal ang naproseso para sa may-ari ng lupa. Nagiging basehan ito ng pagkuha ng bahagi ng magsasaka sa ani.

Sugar Central ­ tumutukoy sa lugar kung saan pinoproseso o kinokono ang tubu para gawing asukal. Exhibit ­ ipakita, ipaalam, isiwalat

Sa pangkalahatan, ano ang nangyari sa mga batas na naipasa ng mga panahong ito?

Halos hindi naipatupad ang mga ito. Mas umiral ang pagmamay-ari ng lupa. Ang mga malalaking hasendero, ang makapangyarihang may-ari ng lupa, mga elitistang pamilyang Pilipino at cacique ang nagpatuloy na naghari sa mga malalaking lupain at mas lalo pa nilang napalawak ang kanilang mga interes pansakahan.

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

30

Seksyon 2

MAHAHALAGANG PROKLAMASYON SA LUPA/ PAGMAMAY-ARI NG LUPA AT ANG KANILANG KATANGIAN: PANAHON NG KOMONWELT

MANUEL L. QUEZON (1935 ­ 1944)

" Tayo ay susunod sa polisiya ng pagbibili ng mga hasiyenda dahil sa opinion ng Pamahalaan, kailangan itong maipamahagi sa maliliit na lote at muling ibenta sa mga magsasakang aktuwal na nagsasaka sa mga loteng ito. " (Talumpati sa Pambansang Kapulungan, Oktubre 1937)

Ano ang naging papel ng Estados Unidos sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ?

Ang republikang komonwelt ay isang halimbawa (prototype) ng republika na nasa kontrol ng Estados Unidos.

Prototype ­ modelo, hulma, halimbawa.

Sa kanilang pagmamatyag binigyan ng mga Amerikano ang mga Pilipino ng pagkakataon na patakbuhin ang pamahalaan at sanayin sila sa sariling pamamahala.

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

31

Ano ang batayan ng programang reporma sa lupa ni Pangulong Quezon?

Noong 1935, isang constitutional convention ang ipinatawag upang gumawa ng isang saligang batas. Sa panahong ito, napakalawak ang adhikain para sa pag-aari ng Estado sa mga likas yaman. Natanto na kailangan ito upang masiguro ang pagkilala ng kapangyarihan ng estado na itakda ang pagbebenta, pagsasamantala, pagpapaunlad o paggamit sa mga likas yaman. Bilang resulta, ang Saligang batas ng 1935 ay naipasa at inaprubahan na may mga tukoy na probisyon sa katarungang panlipunan (social justice) at pagkuha (expropriation) ng mga lupa para ipamahagi sa mga magsasaka bilang solusyon sa problemang pagmamay-ari at paupa sa lupa.

Mga tukoy na probisyon tungkol sa Katarungang Panlipunan at Pagkuha " Ang pagpapalawig ng katarungang panlipunan para siguruhin ang kapakanan at pang-ekonomiyang seguridad ng lahat ng tao ay kailangan maging gawain ng Estado " (Sek. 5, Artikulo II, Saligang Batas 1935) " Maaaring iutos ng Pambansang Kapulungan ang pagkuha ng lupa na may pagbayad ng makatarungang kabayaran para ipamahagi sa maliliit na lote at ilipat sa halaga ng pagbili sa mga indibidwal " ( Sek. 4, Artikulo XIII, Saligang Batas 1935)

Pagkuha (Expropriation) ­ ito ang sapilitang pagkuha ng pamahalaan sa isang lupang pribado na may makatarungang kabayaran.

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

32

Ano ang programa ng administrasyong ito tungkol sa reporma sa lupa?

Ibinaba ni Pangulong Quezon ang isang programang katarungang panlipunan na nakatuon sa mga sumusunod:

urchase o pagbili ng malalaking hasiyenda para ipamahagi at ipagbili sa mga magsasaka. stablishment o pagtatatag ng National Rice and Corn Corporation (NARICC) ssigning o pagtatalaga ng mga abogado sa kanayunan para tulungan ang mga magsasaka sa mga laban sa korte para sa kanilang karapatan sakahin ang lupa. etting up o pagtatatag ng Court of Industrial Relations (CIR). May kapangyarihan ang CIR sa mga hidwaang nagmumula sa relasyon ng manggagawang-bukid at may-ari ng lupa, partikular sa usaping sahod at oras ng trabaho. mendment o pagsusog sa Rice Share Tenancy Act (Akto Bilang 4054) na may probisyong (Sek. 29) pumipigil sa kanyang pagpapatupad. ational land Settlement Administration (NLSA) ay itinatag sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 441 upang ipagpatuloy ang programang Homestead. Sa pamamagitan ng NLSA ipinatupad ang paglilipat ng mga magsasaka at kanilang pamilya sa pampublikong lupang pang agrikultura sa Mindanao at Hilagang Luzon. Hindi nagtagl, ang mga tungkulin ng NLSA ay napunta sa Rural Progress Administration (RPA). Ito rin ang nagsimula ng credit at marketing sa mga kooperatiba. enancy problems o problema sa paupa sa lupang agrikultural ay sinakop mula CA 461 at 608.

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

33

Ang NARICC ay may mandato na tulungan ang mga magsasakang makakuha ng makatarungang presyo ng bigas at mais, at pati na rin ang magbigay ng pagkakataon sa trabaho. Ang ahensyang ito ang nagsilbing taga tugon sa mga lokal at pambansang problema na dulot ng kakulangan sa bigas. Ang ibang regulatory functions ng NARICC ay pinapatupad na ngayon ng National Food Authority (NFA). Commonwealth Act Bilang 461 ­ itinakda nito ang pagpapatalsik sa isang magsasaka na dapat may pagsang-ayon ang Tenancy Division ng Kagawaran ng Hustisya (DOJ). Commonwealth Act Bilang 608 ­ ipinasa upang itatag ang seguridad sa pag-aari sa pagitan ng may-ari ng lupa at magsasaka. Ipinagbawal nito ang karaniwang gawain ng mga may-ari ng lupa sa pagpapatalsik ng magsasaka ng walang legal na basehan.

Ano naman ang naging balakid sa pagpapatupad ng mga batas sa repormang palupa sa administrasyong ito?

udget allocation o ang kawalan o kakulangan ng badyet para sa programang paglilipat (settlement) ang naging sanhi ng di pagpapatupad. Ang badyet para sa pambansang depensa ang binigyang prayoridad. andlords o ang mga may-ari ng lupa na hindi sumunod sa Rice Share Tenancy Act. Sinubukan nila ang lahat ng mga taktikang legal upang makaiwas sa probisyon ng batas na ito. utbreak o ang pagsiklab ng ikalawang Pandaigdigang Digmaan ang siyang nagtapos ng mga hakbang ng administrasyon komonwelt para sa repormang palupa. idespread o ang malawakang pag-aaklas ng mga pesante laban sa pang-aabuso ng mga may-ari ng lupa.

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

34

Mahahalagang Proklamasyon sa Lupa/ Pagmamay-ari ng Lupa at ang Kanilang Katangian: Mga Taon Pagkatapos ng Digmaan

Seksyon 3

MANUEL ROXAS (1946 ­ 1948)

Ano ang nangyari sa mga lupaing nakuha ng mga HUK noong panahon ng Hapon?

Ang mga ito ay kinumpiska at muling ibinalik sa mga dating may-ari. Dahil dito, ang ilan sa mga magsasaka ay pinili na sumanib na lamang sa kilusang HUK kaysa bumalik at muling manilbihan sa may-ari ng lupa kagaya ng kalagayan bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Gumanda ba ang kalagayan ng share tenancy sa administrasyong ito?

Oo. Mula sa hatiang 50-50, ang hatiang 70-30 ang naitatag sa ugnayang may-ari ng lupa at magsasaka ng RA No.34. Isinasaad ng batas na ito na sinuman ang nagbabayad ng mga gastusin sa pagtatanim, pag-aani at nag-aalaga sa mga hayop ay dapat na bigyan ng 70% ng ani. Binawasan din nito ang interes na pinapataw ng mga may-ari ng lupa sa pautang mula 10% patungo sa 6 %.

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

35

Ano pa ang iba pang mahalagang hakbang na tinahak ng administrasyong ito?

Nakiusap si Pangulong Roxas para sa pagbili ng 8,000 ektaryang lupa sa Batangas na pag-aari ng pamilya Ayala ­Zobel. Ang mga lupang ito ay ibinenta naman sa mga magsasakang walang lupa.

Bakit naibenta ng mga magsasaka ang mga lupang ito?

Dahil sa kakulangan ng mga pasilidad na pansuporta para sa mga bagong magsasakang may-ari ng lupa, napilitang ibenta ng magsasaka ang mga lupa. Ang pagkabigo ng proyektong ito ang naging batayan ng pagduda sa totoong diwa ng repormang palupa ng pamahalaan.

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

36

ELPIDIO QUIRINO (1948 ­ 1953)

" Upang hikayatin ang pagtatayo ng mga tirahan sa mga walang lupa, ang pagkuha sa mga malalaking lupain para iparsela at ibenta sa mga tunay na magsasaka sa halaga ng pagkabili ay binilisan. Bukod sa pagbili ng 35 na hasienda na bumubuo sa 161.3 milyong metro kwadrado na nagkakahalagang 13.3 milyong piso, kami ay kumukuha ng karagdagang lupa sa Arayat at Sta. Ana, Pampanga at sa Jalajala, Rizal. Ang mga bagong pagkakamit/pagtatamong ito ay aabot sa 49.3 milyong metro kwadrado na nagkakahalaga ng 1.2 milyong piso. " (Talumpati pasa sa Kalagayan ng Bansa, ika-24 ng Enero, 1949)

Ano ang ginawa ni Pangulong Quirino para masagot ang usaping agraryo?

Sa ilalim ng Executive Order Bilang 355, ang Land Settlement Development Corporation (LASEDECO) ay naitatag upang mapabilis at palawakin ang programang paglilipat sa mga magsasaka sa ilalim ni Pangulong Quezon. Kaya lang ang limitadong yaman at pondo pagkatapos ng digmaan ang siyang naging balakid sa puspusang pagpapatupad ng programang ito.

Ano ang posisyon ng administrasyon sa repormang palupa at sa pagbabawal sa tenancy o paupa?

Ipinapanukala ng ilang nagsiyasat na mga banyagang grupo sa problema ng paupa o hatian na kailangang ayusin ang programang reporma sa palupa. Ang mga panukalang ito ay batay sa kanilang

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Kabanata 2: Pagbabalik sa mga nasimulan ng Pamahalaan

37

pangamba na dumadami ang suporta ng mga armadong samahan ng magsasaka na maaaring umagaw sa kapangyarihan ng administrasyon/estado. Pagtatatag o pagtatayo ng bangkong Agrikultural at Industrial upang magaan ang termino sa pag-apply para sa homestead at ibang lupang sakahan.

Nakatulong ba ang mga hakbanging ito sa situwasyon ng pag-aari ng lupa at pagpaparenta ng lupa?

Ang problema sa pag-aari ng lupa at pagpaparenta ng lupa ay nagpatuloy. Ang kakulangan sa pondo at kasalatan sa mga serbisyong pansuporta ay naging hadlang sa pagpapatuloy at pagpapalawig ng ganitong mga gawain. Pagkalipas ng 7 taon, 41 sa tinarget na 300 hasiyenda lamang ang naipamahagi. Ang may-ari ng lupa ay nagpatuloy sa pagkikibit-balikat sa kalagayan ng mga magsasaka at patuloy silang hindi nakikipagtulungan at naging kritikal sa programa.

TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN

Information

Unang Bahagi

17 pages

Report File (DMCA)

Our content is added by our users. We aim to remove reported files within 1 working day. Please use this link to notify us:

Report this file as copyright or inappropriate

682130


You might also be interested in

BETA
F:\WORKDISK\4EDIT\MSSK\PKMEDT~1.TXT
Unang Bahagi